Tagalog News: PRO mahigpit ang ipinatutupad na disinfection para iwas-COVID-19

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Abr. 5 (PIA) — Mahigpit na ipinatutupad ng Police Regional Office (PRO) Mimaropa sa mga kawani ng kapulisan at mga bisitang papasok sa Camp Efigenio C Navarro sa lungsod na ito ang pagdaan sa proseso ng disinfection upang masiguro na magiging ligtas ang kampo sa banta ng COVID19.
Ito ang bagong direktiba na ibinaba ni Police Regional Director, BGen Nicerio D. Obaob na ipinatupad simula noong Marso 30, ang proseso ng disinfection para masiguro na hindi makakapasok ang virus sa hanay ng kapulisan.
Ayon sa heneral, “Pagpasok pa lamang sa gate ng kampo, ang mga sasakyan ay kailangang dumaan sa tire bath at pagkatapos pabababain ang driver at pasehero para kuhanan ng temperatura ay maghuhugas ng kamay gamit ang alcohol at sa huli ang pag-apak sa foot bath.”
Samantala, humihingi din ng paumanhin si Obaob sa mga papasok sa kampo dahil medyo maabala ng kaunti ang proseso ngunit ito naman ay para na rin aniya sa kaligtasan ng lahat. (DPCN/PIA-OrMin)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1038104