I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Tagalog News: Proteksyon laban sa COVID-19 mas binigyang pansin sa Caraga, libreng sakay para sa health workers inilunsad

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG BUTUAN, Abril 10 (PIA) — Upang mas lalo pang maprotektahan ang mga Caraganons laban sa COVID-19, naglagay ng mahigit 30 decontamination at sanitation tents at pati na rin gantry facilities ang Department of Public Works and Highways o DPWH Caraga sa iba’t ibang lugar ng rehiyon.

Ayon kay Engr. Pol M. Delos santos, regional director ng DPWH Caraga, ito ay isa lamang sa mga iniyatibo ng ahensya upang matulongan ang pamahalaang sugpuin ang paglaganap ng nasabing virus.

Maliban sa mga contamination at sanitation tents at gantry facilities nagtalaga din ang DPWH pati na rin ang Land Transportation Office o LTO ng mga libreng sasakyan para sa mga health workers upang makaabot sila sa kani-kanilang mga trabaho sa tamang oras ang makauwi din ng ligtas sa kanilang mga tahanan.

Laking pasasalamat ni Sarah Jing Varron, isang nursing attendant ng Butuan Medical Center, sa DPWH dahil hindi na siya mahirapan pang humanap ng kanyang masasakyan.

Ayon din kay LTO operations chief Urbano Maglines, Jr. bago paman idineklarang isailalim na ang buong rehiyon sa enhanced community quarantine, at bilang paghahanda kung sakaling kakailangin ng mga health workers ang mga sasakyan, naglunsad na rin ang LTO ng kanilang libreng sakayan upang mas matugonan ang pangangailan sa panahon na wala ng pampublikong sakayan.

Dagdag pa ni Maglines, nagpalabas na rin ng kautosan si LTO regional director Nordy Plaza sa mga district offices na bigyan ng kaukulang pansin ang mga pangangailan sa transportasyon ng kanilang mga sinasakupan. Ayon din kay Maglines  nagkaroon na ng pag-uusap ang LTO at bus company kung sakaling kakailanganin ang kanilang serbisyo hinggil sa sakayan. (NCLM, PIA Caraga)

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1038531

Facebook Comments Box
Related Posts
%d bloggers like this: