I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Tagalog News: Quarantine Zones, inihanda sa Lalawigan ng Batangas

April 8, 2020 Uncategorized

LUNGSOD NG BATANGAS, Abril 8 (PIA)-Isang liham ang ipinadala ng Private Hospitals Association of Batangas (PHAB) kung saan hiniling nito ang agarang aksyon ng Department of Health (DOH)-Center for Health Development Region IV-A at Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na magtakda ng government-owned healthcare facilities na tututok sa clinical care management ng lahat ng coronavirus diseases (COVID)-19 related cases sa lalawigan.
 
Ayon kay Dr. Robert Magsino, pangulo ng Mary Mediatrix Medical Center sa lungsod ng Lipa, napakahalaga nito sapagkat kinakailangan ang mga pasyenteng may kinalaman sa COVID-19 ay sa iilang ospital lamang dalhin upang matutukan ang gamutan at hindi kalat-kalat sa lahat ng pagamutan sa buong lalawigan.
 
Sa ganitong paraan mas madaling makakapagtalaga ng iba’t-ibang medical resources ang assigned hospital para sa pangangalaga ng may sakit. Maiiwasan din ang pagkasaid ng mga resources ng mga pribadong ospital kung saan magkakahalo ang mga COVID-19 at non-COVID-19 patients na siyang nagiging dahilan din ng pagkakahawa hawa ng mga pasyente.
 
Bilang tugon, sinabi ni Governor Hermilando Mandanas na kasalukuyang inihahanda at isinasaayos ang mga evacuation centers sa Lalawigan ng Batangas kabilang ang gymnasium ng Batangas Provincial Sports Complex sa Brgy. Bolbok sa lungsod ng Batangas na siyang magiging Quarantine Zone para sa Persons Under Investigation (PUIs) at Persons Under Monitoring (PUMs) sa COVID-19.
 
“Isa din sa ating tinitingnan ang tulong na maaaring ibigay ng Batangas Medical Center para mabigyan tayo ng sapat na kaalaman sa pangangalaga ng mga pasyenteng kumpirmadong positibo sa COVID-19. Kaugnay nito, nagpadala na din tayo ng liham kay DOH Secretary  Francisco Duque III at hinihiling natin na tuluyan ng ipatupad ang implementasyon ng Universal Health Care Law gayundin ang paggamit ng Special Health Fund sa pamamagitan ng Local Health Board ng lalawigan na ilang buwan nang naitatag,” ani Mandanas.
 
Aniya, ang SHF ang pinakamahalagang bahagi ng UHC sapagkat sa pamamagitan nito maaaring magkaroon ng mga kailangang resources para maisagawa ang wastong health management sa mga local government units.
 
Sa pamamagitan ng SHF, agad na maiisaayos ang mga evacuation centers bilang quarantine zones na may isang libong kama sa loob ng dalawang lingo. Maaari ding magdagdag ng medical practitioners na may sapat na kagamitan, Personal Protective Equipment at iba pang pangunahing pangangailangan batay sa DOH accreditation.
 
Sa kasalukuyan ay may 55 kumpirmadong kaso na ng Covid-19 sa lalawigan kung saan kabilang ang Batangas City-12; Tanauan City-6; Alitagtag-2; Calaca-1; Lian-1; Mabini-1; Padre Garcia-1; Lipa City-14; Sto. Tomas City-1; Lemery-1; Cuenca-2; Lobo-1; Nasugbu-9; San Pascual-1 at Bauan-2. Kabilang sa mga ito ang walong namatay at walong naka-recover sa naturang sakit. (BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS with reports from PIO Province)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1038391

Facebook Comments Box
Related Posts
%d bloggers like this: