I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Tagalog News: SAP, ipinamamahagi na sa Narra, Palawan

April 16, 2020 Uncategorized
pamamahagi ng SAP sa Narra
Ang pamamahagi ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP) sa Bayan ng Narra, Palawan na nagsimula kahapon. (Larawan mula sa DILG-Narra)

PUERTO PRINCESA, Palawan, Abr. 15 (PIA) — Sinimulan nang ipamahagi sa Bayan ng Narra ang tulong pinansiyal mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaang nasyunal sa pangangasiwa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa 23 Barangay ng nasabing bayan ay umaabot sa 8,563 sambahayan ang mabibiyayaan ng ayuda mula sa SAP kung saan ang mga ito ay lubhang naapektuhan ng ipinatutupad na Extended Enhanced Community Quarantine (EECQ) dahil sa pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Mahigit P42 Milyon ang kabuuhang tulong pinansiyal mula sa SAP ang maipapamahagi sa bayan ng Narra na magtatagal hanggang sa Abril 17, 2020.

Sa pagsisimula nito kahapon (Abril 14) ay ang mga Barangay ng Ipilan, Burirao, Tacras, Aramaywan, Calategas at Bato-bato na may 1,874 sambayahan ang unang nabigyan ng tulong mula sa SAP na nagkakahalaga ng tig-P5,000 bawat sambahayan.

Ngayong araw (Abril 15), ang mga Barangay naman ng Teresa, Batang-batang, Princess Urduja, Caguisan, Malinao at Antipuluan ang tingungo ng grupo ng DSWD para sa pamamahagi ng tulong pinansiyal mula sa SAP. Umaabot naman sa 2,413 sambahayan na mabibiyayaan sa anim na barangay na nabanggit.

Bukas (Abril 16), isusunod naman ng grupo ng DSWD ang mga Barangay ng Elvita, Taritien, Malatgao, Estrella Village, Tinagong Dagat, Sandoval, Bagong Sikat at Dumangueña.

At sa Abril 17 ang mga Barangay naman ng Panacan 1, Panacan 2 at Poblacion ang mabibigay ng benepisyo mula sa SAP. Umaabot sa 2,667 sambahayan naman ang natukoy na kwalipikado sa SAP sa tatlong nabanggit na barangay.

Ang grupo ng DSWD ay inaalalayan ng friendly forces na binuo ng Pamahalaang Bayan ng Narra na kinabibilangan ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang maging maayos ang pamamahagi ng nasabing ayuda.

Sa bawat lugar kung saan ipapamahagi ang ayuda ng SAP ay naglagay ang Narra Inter-Angency Task Force COVID-19 ng handwashing, disinfectant at thermal scanning area, gayundin ang pagpapatupad ng social distancing at may grievance committee area din kung saan maaaring solusyunan ang mga reklamong idudulog ng bawat sambahayan. (OCJ/PIA-MIMAROPA)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1039037

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading