I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Tagalog News: Tulong pinansiyal na SAP, tinanggap ng mga Calapeño

April 19, 2020 Uncategorized
Tinanggap ng isang residente ang tulong pinansiyal na Social Amelioration Program (SAP) na kabilang sa mga indibidwal na mabibiyayaan. Makikita sa larawan na inaabot ng kawani ng DSWD ang P5,000 sa isang benepisyaryo bilang gastusin sa pang araw-araw. (Larawan kuha ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Abr. 19 (PIA) — Tinanggap ngayong araw ng 530 benepisyaryo sa isang barangay sa lungsod na ito ang tulong pinansiyal na inihatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Mimaropa, ang Social Amelioration Program (SAP) upang makatulong sa pang araw-araw na gastusin ng mga residente.

Iniabot sa mga indibidwal na kabilang sa indigent o walang sapat na pinagkakakitaan, mga senior citizen na hindi kabilang sa Social Pension Program, Persons with Disability (PWD) at solo parents na residente ng Brgy. Bayanan 2 ang P5,000 halaga bilang ayuda dahil sa nararanasang krisis dulot ng COVID-19 at ang umiiral na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.

Bantay sarado ng mga kawani ng PNP ang nasabing gawain na isinagawa sa harapan ng barangay hall. Walong sitio mayroon ang barangay at isa-isang sitio lamang ang tinatawag na pupunta sa lugar upang hindi magkagulo at maipatupad ang social distancing.

Bago pa nito, may ilang araw na rin namamahagi ang DSWD sa ilang barangay sa lungsod batay na rin sa utos ng Inter-Agency Task Force (IATF) na agad ipamahagi ang nasabing tulong pinansiyal.

Umabot sa P2,650,000 ang ibinabang ayuda sa nasabing barangay na kabilang sa P116 milyon pondo para sa 23,200 na indibidwal na makakatanggap ng tig-P5,000 sa lungsod. (DPCN/PIA-OrMin)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1039381

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading