I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Tagalog News: Unang-100 na kumpanyang kabilang sa CAMP, tinukoy ng DOLE

April 10, 2020 Uncategorized
Ang CAMP Financial Assistance ng DOLE Mimaropa ay magbibigay suporta sa mga empleyadong nawalan ng kita dahil sa pansamanatalang ‘no work no pay’ habang ipinapatupad ang Enhance Community Qurantine (ECQ) sa buong rehiyon, kaya’t hinihikayat ang mga kumpanya na magpasa ng aplikasyon para sa kanilang mga empleyadong apektado. (LC/PIAMimaropa/Calapan)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Abr. 10 (PIA) — Ipinabatid ng Department of Labor and Employment (DOLE) Mimaropa sa lahat ng mga kumpanya sa rehiyon at mga manggagawa nito na nag-apply sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP)  na inilabas na nila ang listahan ng mga establisiyimento na kasama sa unang batch ng CAMP.

Upang mabigyang linaw ang mga katanungan ng mamamayan ukol sa pangalan ng 100 kumpanya na mayroong 1,709 na mangagawa, minabuti ng ahensya na pangalanan ang mga nasabing establisiyimento. Nakapag-bigay ng P8,545,000 ang DOLE Mimaropa sa unang batch ng pinansiyal na ayuda.

Sa kasalukuyan ay ipinapaabot ng ahensya na patuloy ang pagtanggap ng aplikasyon mula sa pribadong sektor at may mga susunod pang mga kompanya na makatatanggap ng nasabing tulong pinansiyal na naayon sa pondong ilalaan para sa rehiyon.

Ipinaalala rin ng ahensya na ang aplikasyon sa CAMP ay dumadaan sa mga proseso at naaayon sa first-come-first-serve na basihan.  Ang naturang ayuda ay direktang ipapadala sa mga manggagawa na ipapadaan sa pamamagitan ng bank transfer o money remittance center.

Ang CAMP Financial Assistance ng DOLE Mimaropa ay magbibigay suporta sa mga empleyadong nawalan ng kita dahil sa pansamanatalang ‘no work no pay’ habang ipinapatupad ang Enhance Community Qurantine (ECQ) sa buong rehiyon, kaya’t hinihikayat ang mga kumpanya na magpasa ng aplikasyon para sa kanilang mga empleyadong apektado. (LC/PIAMimaropa/Calapan)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1038551

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading