I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Tagalog News: Unang Distrito ng OrMin, nakatanggap ng food packs

April 14, 2020 Uncategorized
Isinasalin ng kawani ng pamahalaan ang limang kilong bigas sa timba ng isang residente sa lungsod ng Calapan kabilang ang dalawang delata ng sardinas bilang tulong sa mga Mindoreño habang nakamasid ang guro na siyang naglilista ng mga nabahagian. (Larawan kuha ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Abr. 14 (PIA) — Matapos mamahagi ng mga food packs sa ikalawang distrito ng lalawigan, nagkaloob na rin sa unang distrito ng mga bigas at ilang piraso ng de-lata ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gob. Humerlito Dolor upang makatulong na maibsan ang gutom ng mga Mindoreño.

Ginawa nila ang pamamahagi sa Lungsod ng Calapan noong Miyerkules at Huwebes Santo bilang tugon sa mga pangangailangan ng mga Calapeño ang sapat na pagkain sa hapag kainan ng bawat pamilya.

Ang mga ipinagkaloob ay naglalaman ng limang kilong bigas at dalawang pirasong sardinas na inihatid ng dalawang guro at opisyales ng barangay sa pintuan ng mga tahanan ng mga mamamayan.

Ilang araw bago isinagawa ang nasabing pamamahagi, naganunsiyo ang gobernador kung ano ang magaganap at sino ang maghahatid ng suporta mula sa pamahalaang lokal.

Aniya, “Lahat ay mabibigyan dahil kailangan nating kumain upang mapanatiling malusog bilang panlaban sa pandemic na COVID19. Inatasan ko lahat ng mga opisyales ng barangay na sabihan ang kanilang nasasakupan na maglabas ng timba o palanggana na pagsasalinan ng bigas na ilalagay sa harap ng kanilang bahay. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang kanilang paglabas at paggamit ng plastic na dapat sana’y paglalagyan ng bigas.”

Samantala, sa orihinal na talaan ng Pamahalaang Panlalawigan ay nasa 214,994 ang bilang ng pamilya sa buong lalawigan. Ngunit sa huling datos na kanilang nakalap umabot ito sa 251, 569 habang ang nahatiran lamang ng bigas at delata ay nasa 226,405.

Agad nagpaabot ng paumanhin ang mga guro at opisyal ng barangay sa mga hindi naabutan ng pagkain at nangako na sila ay babalikan upang ihatid ang suporta mula sa pamahalaang panlalawigan. (DN/PIA-OrMin)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1038823

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading