I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Tahanan

July 26, 2023 dear diary

Siguro nga naghanap ako ng lugar kung saan makikita ko ang tahanan ko. Hinanap ko yung lugar na payapa, yung lugar kung saan ako may laya.

Hinanap ko yung mga bagay na naipagkait sa akin ng nakaraan.

Matagal-tagal ko ring piniling wag pumasok sa isang relasyon pero ngayon ay handa na ulit akong sumugal, handa na akong maramdaman ng puso ko na mahalin ulit at magmahal nang buong-buo. 💓

Sa bawat sandali na tayo ay magkayakap nang mahigpit. Taglay mong init ang bumabalot sa aking nilalamig na damdamin. Tayong dalawa’y pinagtagpo ng tamang pagkakataon. Hindi maitatanggi na sa akin ikaw ang tanging tiyak. Ikaw lang ang tinatangi. Ikaw lang at ako ang naaninag sa gitna ng paraiso na ating sinimulan, O aking tahanan.

Facebook Comments Box
Taggs:
Related Posts
%d bloggers like this: