I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Tagalog News: BARMM gov’t nagbigay ayuda sa mga barangay sa Kabacan, Cotabato

April 5, 2020 Uncategorized
Mga tulong o relief packs mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na ipapamahagi sa mga barangay sa Kabacan na sakop na ngayon ng Bangsamoro government. (PHOTO: LGU Kabacan)

KABACAN, Lalawigan ng Cotabato, Abr. 5 (PIA)— Namahagi kamakailan ng tulong ang pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa mga barangay dito sa bayan na bahagi na ngayon ng Bangsamoro Region.

Ang mga barangay na ito ay kinabibilangan ng Tamped, Simbuhay, Simone, Nangaan, Buluan, Pedtad, at Sanggadong.

Nabatid na pinangunahan ni Kabacan Committee Chair on Muslim Affairs Councilor Fathma Guiabar ang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan ng BARMM upang maisakatuparan ang pamamahagi ng tulong.

Kaugnay nito, nagpaabot ng kanyang pasasalamat si Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. sa pamunuan ng Bangsamoro Government. Siniguro naman ng opisyal na maipamamahagi nang maayos ang mga relief packs.

Ang mga relief pack na naglalaman ng bigas, apat na sardinas, apat na corned beef, walong sachet ng kape, isang sabon, at isang pad ng gamot ay ipamamahagi simula ngayong araw.

Ito ay bilang tugon sa mga residenteng apektado ng isinasagawang community quarantine kaugnay sa paglaban sa banta ng coronavirus disease 2019. (With reports from LGU-Kabacan)

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1038125

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading