I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Tagalog News: BFAR 4A naghulog ng 100K tilapia fingerlings sa Laguna Lake at 10K ayungin sa Taal Lake

April 23, 2020 Uncategorized

LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna, Abril 23 (PIA)–Nagsagawa ng paghuhulog ng 100,000 tilapia fingerlings sa Laguna Lake habang 10,000 namang ayungin fingerlings sa Taal Lake ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources kamakailan bilang bahagi ng programang “Balik Sigla sa Ilog at Lawa” o BASIL sa gitna ng krisis na dulot ng pandemyang COVID-19.

Bagama’t nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang buong Luzon, hind ito naging hadlang upang ipagpatuloy ang BASIL na naglalayong ibalik ang mga isda sa mga ilog at lawa sa CALABARZON na unti-unting nawawala dahil sa ilegal na pamamaraan at mga ‘invasive fishes’.

Nagmula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 4A -Fisheries Production and Support Services Division (FPSSD) at BFAR 4A-Freshwater Demonstration Fish Farm (FDFF), ang mga tilapia fingerlings ay inihulog sa lawa ng Laguna de Bay noong ika-17 ng Abril 2020.

Nauna rito, ang BFAR Region 4A at Batangas Inland Fisheries Technology Outreach Station (BIFTOS) katuwang ang Provincial Fisheries Office ng Laguna ay nagsagawa ng paghuhulog ng 22,000 piraso ng common carp fingerlings sa Brgy. Baybayin, Los Baños at 4,000 piraso ng ulang o freshwater prawn na inihulog sa Brgy. San Antonio, Bay noong ika-15 ng Abril 2020.

Ang programang ito ng BFAR 4A ay muling naipatupad sa pamamagitan ng BIFTOS, FPSSD at Provincial Fisheries Office (PFO) ng Laguna at sa pakikipagtulungan sa Lokal na Pamahalaan ng Los Banos at Los Banos Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council.

Maliban dito, nagsagawa rin ng paghuhulog ng 10,000 piraso ng ayungin fingerlings sa lawa ng Taal ang BFAR Region 4A at BIFTOS noong ika-16 ng Abril 2020 upang madagdagan ang ani at kita ng mangingisda sa lawa.  Ang paghuhulog ng fingerlings ay bahagi pa rin programang BASIL at para sa rehabilitasyon ng lawa na dulot ng pagputok ng Bulkang Taal.

Nagpasamalat ang BFAR 4A sa National Inland Fisheries and Technology Center (NIFTC) sa pagkakaloob ng mga semilya ng ayungin gayundin sa FARMC ng Brgy. Bañadero, Tanauan, Batangas sa supportang ibinibigay para sa tagumpay ng programang BASIL. (CPGonzaga, PIA-4A with report from Sammy Malvas, BFAR 4A)

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1039611

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading